Pagpaparehistro para sa vaccination ng nasa A4 priority group, bubuksan na ngayong araw ng QC-LGU

58

Bubuksan na ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon ang pagpaparehistro ng mga nasa A4 priority group na babakunahan ng COVID-19 vaccine.

Sa abiso ng Quezon City-Local Government Unit (QC-LGU), bubuksan na nila ang online booking para sa mga babakunahan mula bukas hanggang sa Linggo.


Maliban sa online booking, mayroon ding barangay assisted booking para sa mga gusto nang magpa-vaccine.

Kasunod naman ito ng pagdating ng abot sa 53,800 na bagong doses vaccine galing sa national government.

Hindi lahat ay ituturok sa mga A4 category dahil ilalaaan ang sampung libong doses para punan ang pangangailangan sa mga tuturukan ng 2nd dose.

Marami pa kasing senior citizens na nasa A2 category ang hindi nababakunahan sa QC.



Facebook Comments