Pagpaparetoke at premyo sa lotto, bubuwisan na rin

Manila, Philippines – Papatawan na rin ng dagdag na buwis ang cosmetic surgery o pagpaparetoke pati na ang panalo sa lotto sa ilalim ng panukalang tax reform ng Senado.

Bukod pa ito sa isinusulong na dagdag sa excise tax sa petrolyo, matatamis na inumin at sasakyan.

Ayon kay sa Sen. Sonny Angara, sa bersiyon ng tax reform bill ng Senado, papatawan na rin ng dagdag na 20% na buwis ang pagpalalagay ng talukap, nose lift, bust lift, tummy tuck, at iba pang retoke.


Ito ay kung pagpapaganda lamang ang pakay sa pagpaparetoke at hindi dahil sa sakit, aksidente, o birth defect.

Samantala, kasali rin sa tax reform bill ng senado ang 20% na buwis sa panalo sa lotto na P200,000 pataas.

Pagdedebatehan pa ang panukala sa senado at isasalang sa bicameral conference committee bago isumite sa Malakanyang para aprubahan ng pangulo.

Facebook Comments