Pagpapasabog sa Jolo Cathedral, kinondena ng mga senador

Giit ni Senate President Tito Sotto, isang kaduwagan ang pagpapasabog sa simbahan sa Jolo, Sulu kung saan ang mga biktima ay pawang mga inosente na pinatay ng walang kalaban laban.

Kumbinsido naman si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, gayundin sina Senators Francis Kiko Pangilinan at Nancy Binay na layunin ng mga nagpasabog na sirain ang tagumpay ng mamamayan ng Bangsamoro sa kanilang pagratipika sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Katulad ni Zubiri, ay iginiit din nina Senators Joel Villanueva, Bam Aquino, Win Gatchalian, Sonny Angara at Koko Pimentel sa sandatahang lakas at pambansang pulisya na gawin ang lahat para mapanagot ang nasa likod ng pagpapasabog at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.


Umaasa din si Pangilinan na hindi magpapagambala at magpapadaig sa mga nanggugulo at naghahasik ng karahasan ang mamamayan sa pagsusulong ng kapayapaan sa kanilang rehiyon.

Umapela naman ng panalangin si Senator Richard Gordon para sa agarang pagbangon ng mga biktima kasabay ng pagtiyak na nakaalerto para maghatid ng tulon ang pinamumunuan niyang Philippine Red Cross (PRC).

Facebook Comments