Kumpyansa si Ways and Means Chairman Senator Sherwin Gatchalian na walang mawawala sa bansa kapag tuluyang ipinasara at pinaalis sa bansa ang mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Ayon kay Gatchalian, sa buong pagsisiyasat na ginawa ng kanyang komite ay wala silang nakita na investment, capital expenditures, property o equipment na dinala ang mga POGO para makinabang ang bansa.
Lahat aniya ng mga POGO na dumating sa bansa ay nangungupahan at wala silang ginastos na kapital para mamuhunan.
Dahil aniya nangungupahan lang ang mga POGO sa bansa, mas madali itong i-terminate o tapusin ang operasyon sa bansa at madali ring mabawi kung anumang kita ang mawawala.
Bukod dito, hindi rin maaapektuhan ng hakbang na ito ang mga negosyong nag-invest talaga sa Pilipinas.
Giit pa ni Gatchalian, pinayagang mag-operate ang POGO pero ang mga krimeng dala nito ay hindi pinapayagan na dalhin at gawin dito sa ating bansa.