Pagpapasara sa Dolomite beach hindi saklaw ng DILG

Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Under Secretary Jonathan Malaya, na hindi saklaw ng DILG ang pagpapasara ng Dolomite beach para matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapigilan na rin ang posibilidad ang super spreader event.

Ginawa ni Malaya, ang pahayag sa isinagawang Laging Handa briefing makaraang hikayatin ni Senator Nancy Binay ang mga otoridad na pansamantalang isara muna ang Dolomite beach sa Maynila para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Paliwanag ni Malaya, proyekto umano ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at nasa kanilang jurisdiction ang pagbalangkas ng mga mekanismo o rules and regulations sa mga pumupunta sa naturang lugar.


Giit ni Malaya susuporta lamang sila kung ano ang desisyon ng DENR hinggil sa naturang usapin at ipatutupad nila kung ano ang ipag-uutos ng naturang ahensya kung pansamantala munang isasara ang Dolomite beach o ipagpapatuloy na bukas sa publiko habang wala pang regulasyon at sistema ang DENR.

Facebook Comments