Pagpapasigla ng ekonomiya, pangunahing agenda ng SILBI Party-list

Tututukan ng Samahang Ilaw at Bisig o SILBI Party-list ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa sakaling palarin sa Kongreso sa darating na eleksyon.

Kaugnay nito, sinabi ni SILBI first nominee at dating Supreme Court Associate Justice Dante Tinga na maglalatag sila ng national development agenda na layong pasiglahin ang industriya at sektor ng agrikultura.

Aniya, dapat na maging self-sufficient ang bansa para hindi na natin kakailanganing mag-angkat.


“Kami e proactive, unang-una… pangalawa, meron kaming national development agenda. Ang kailangan nga, iangat ang state of the economy. Pa’no isasagawa yan? Dapat maganda ang programa,” ani Tinga sa panayam ng RMN Manila.

“Kaya ang magiging focus namin dyan, pagandahin ang industriya, tulungan ang akgrikultura para ang mga tao ay self-sufficient hindi yung nag-i-import. Puro tayo import nang import e kasi pinagkakakitaan yan,” dagdag niya.

Bukod sa pagpapasigla ng ekonomiya, kumakatawan din ang grupo sa sektor ng mahihirap, manggagawa at mga senior citizen.

Kabilang sa mga isusulong nila ay ang patas na pagtugon sa problema ng mga manggagawa tulad ng kontraktwalisasyon; pagbibigay ng trabaho, pabahay, edukasyon at medical assistance para sa mahihirap at mas maraming recreation areas para sa mga senior citizen na nakararanas ng mental health problems.

 

 

PR from chairman

Facebook Comments