62.1-M target population sa bansa, fully vaccinated na

Iniulat ni acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles na umaabot na sa higit 133.2-M doses ng anti-COVID-19 vaccines ang naiturok na para sa mga eligible population sa buong bansa.

Base sa National COVID-19 vaccination dashboard, 61.5-M naman ang mga Pilipinong nakatanggap na ng 1st dose habang nasa 62.1-M ang fully vaccinated kasama na ang single dose na Janssen.

Samantala, 9.4-M naman ang nabigyan ng booster shot.


Sa hanay naman ng mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang, sinabi ni Nograles na umaabot na sa 329, 285 ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19 kung saan sa nasabing bilang, 8 mga bata lamang ang nakaranas ng non serious adverse events kabilang na rito ang nakaranas ng pamamantal, pangangati ng lalamunan, nagsuka, at nilagnat.

Facebook Comments