Pagpapasinaya sa Dredging ng Cagayan River, Isasagawa ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Papasinayaan na ngayong araw, Pebrero 2, 2021 ang gagawing rehabilitasyon sa Cagayan river ng Build Back Better (BBB) Task Force sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.

Pangungunahan nina Environment Secretary Roy Cimatu at Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ground breaking ceremony sa dredging o pag-alis ng buhangin partikular sa tabing-ilog sa bahagi ng barangay Bangag ng Lal-lo.

Una nang ininspeksyon ni Director Bambalan at DPWH Regional Director Loreta Malaluan ang sandbar sa Magapit Narrows.


Suportado naman ni Mayor Florence Oliver Pascual at ng LGU ang proyekto ng DENR at DPWH.

Mula naman sa labing siyam (19) na kabuuang bilang ng sandbars na natukoy ng Task Force na matatagpuan sa Brgy. Bangag, Casicallan Norte at Dummun sa bayan ng Gattaran ay ito ang mga prayoridad para sa gagawing dredging.

Ang tatlong sandbars na may lawak na 275 ektarya ay may kabuuang dami na tinatayang 7 million cubic meters.

Kaugnay nito, inanunsyo ng Regional BBB Task Force na mabibigyan ng livelihood assistance ang mga residente na maaapektuhan ng Cagayan River rehabilitation.

Sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay tinatayang aabot sa 100 residente ang inisyal na nakuha para sa pagtatanim ng kawayan o bamboo at maintenance sa Tuguegarao City maging sa mga bayan ng Alcala, Enrile at Gattaran.

Facebook Comments