Hihilingin ng Department of Education (DepEd) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya na sa kagawaran at sa Department of Health (DOH) ang pagpapasya sa school opening.
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, ito ay para maging madali ang pagpapalawak ng face-to-face classes oras na maging magatumpay ang pilot implementation nito.
Aniya, kung pagbabatayan kasi ang batas may kapangyarihan ang pangulo na magdesisyon sa pagbubukas ng klase.
Nauna nang tiniyak ni DepEd Director Malcolm Garma na 90% nang handa para sa pilot implementation ng face-to-face classes ang 100 pampublikong paraalan sa Nobyembre 15.
Naglagay na aniya ang ilang mga paaralan ng plastic barrier at signages para sa mga mag-aaral.
Facebook Comments