“No vaccine, no Christmas bonus” sa mga empleyado ng gobyerno, suportado ng Malakanyang

Sinuportahan ng Palasyo ng Malakanyang ang “no vaccine, no Christmas bonus” sa mga empleyado ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang masama sa panukala na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Cebu na hindi bigyan ng bonus ang mga empleyadong hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Aniya, malinaw na “discretionary” ang pagbibigay ng Christmas bonus at hindi ipinag-uutos sa batas.


Ang malinaw aniya na nakasaad sa batas ay nagpagbibigay ng 13th at 14th month pay.

Facebook Comments