Tuesday, March 17, 2026

PAGPAPATAAS AT PAGLALAGAY NG DRAINAGE SA ST. THERESE ROAD SA BRGY. POGO CHICO, DAGUPAN CITY, KASADO NA

Kasado na ang proyekto ng pagpapataas ng kalsada at paglalagay ng drainage sa magkabilang gilid ng St. Therese Road sa Barangay Pogo Chico, Dagupan City upang matugunan ang matagal nang problema sa pagbaha sa lugar.

Ito ay matapos magsagawa ng dayalogo ang lokal na pamahalaan kasama ang mga residente ng nasabing lugar kung saan tinalakay ang planong proyekto na inilapit ng pamunuan ng barangay.

Pinakinggan din ng mga opisyal ang iba pang hinaing ng mga residente upang mabigyan ng agarang aksyon at mas mapabuti pa ang serbisyo ng pamahalaan sa komunidad.

Ayon sa City Engineering Office, patuloy nilang pinag-aaralan ang mga proyekto sa kalsada at daluyan ng tubig upang matiyak na magiging epektibo ang mga ito para sa kapakinabangan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments