Sinimulan nang bakbakin ang kalsada sa bahagi ng Quintos Bridge sa Dagupan City.
Bahagi umano ito ng road elevation at drainage upgrade na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Pinaalalahanan ang mga motorista na asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nasabing tulay dahil sa nagpapatuloy na konstruksyon.
Ayon sa ilang construction worker, puspusan ang kanilang pagtatrabaho sa nasabing tulay lalo na sa gabi upang mapabilis ang pagsasaayos at hindi makaabala sa mga motorista.
Isa ang Quintos Bridge sa mga pangunahing kalsada patungo sa sentro ng komersyo sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments










