MANILA – Nangako si dating Food Security Secretary Kiko Pangilinan na tututukan ang pagpapataas ng kita ng mga magsasaka.Ayon kay Senatorial re-electionist Kiko Pangilinan, kailangang sapat o higit pa ang kita ng mga magsasaka na kabilang sa mga pinakamahihirap sa bansa.Aniya, hindi tama na magutom ang mga magsasaka gayung sila ang nagpapakain sa atin.Dapat aniyang bigyan ng pamahalaan ang mga magsasaka ng suporta tulad ng pagtustos sa irigasyon, mababang pautang at karampatang training at kagamitan upang mapataas ang kanilang kita.Ito ang layon ng “Sagip-Saka Bill Act” na isusulong ni pangilinan oras makabalik ng Senado.
Facebook Comments