Ayon kay Committee on Trade and Industry Chairman Senator Koko Pimentel, ang pagpapataas sa ating produksyon ang pinakamagandang solusyon sa tumataas na presyo ng mga bilihin sa bansa.
Giit ni Pimentel, hindi tayo dapat maging consumer lang habang buhay.
Mungkahi ni Pimentel, simulan natin ang pagpapataas ng produksyon ng food items na kinakain ng mga Pinoy araw-araw.
Kasunod nito ang pagpapataas sa produksyon ng mga produkto na maaaring bilhin sa ating ng ibang bansa.
Paliwanag pa ni Pimentel, kung bumibili tayo ng eroplano sa ibang bansa, para mabayaran ito ay dapat tayong mag-produce o gumawa ng mga produkto na gustong bilhin sa atin ng ibang mga bansa.
Facebook Comments