44 na tumakbo sa pagkasenador, nakapag-comply sa paghahain ng SOCE

33

Tatlong kumandidato sa pagkapangulo at dalawang tumakbo sa pangalawang pangulo ang nabigong makapaghain ng kanilang statements of contribution and expenditures (SOCE).

Sa sampuing kumandidato sa pagkapangulo, kabilang sa nabigong maghain ng SOCE sa Commission on Elections (COMELEC) sina Norberto Gonzales, Faisal Mangondato at Ernesto Abella.

Sa siyam namang tumakbo sa pagkabise presidente, sina Rizalito David at Manny Lopez ang hindi nakapag sumite ng kanilang SOCE.


44 na mga tumakbo sa pagkasenador, mula sa 64 ang nakapaghain naman ng kanilang SOCE itinakdang panahon ng COMELEC.

Facebook Comments