Pagpapataas sa morale, ginagawa ng Philippine Navy para sa mga tauhang nakadeploy sa mga quarantine control points

57
Courtesy: Philippine Navy

Upang mas ganahan pa sa kanilang mga trabaho partikular ang pagbabantay sa mga quarantine control points ngayong patuloy na nararanasan ang COVID-19 pandemic, binisita nang bagong Commander ng Naval Task Group-National Capital Region (NTG-NCR) na si Marine Col. Noel Beleran ang kaniyang mga tauhan na nagmamando sa mga quarantine checkpoints sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan.


Ayon kay Beleran, hinahangaan niya ang dedikasyon at sakripisyo ng kaniyang mga tauhan dahil sa pagtupad nang kanilang tungkulin sa kabila na malaki ang posibilidad na maging infected sila ng virus habang nagmamando sa mga checkpoint.

Sinabi pa ng opisyal, isang malaking hamon para sa kanila ang misyon nilang ito pero kinakailangan nilang gawin para makatulong sa pag flatten ng curve o para mabawasan ang mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ang NTG-NCR ay ang task group na forefront ng Navy COVID Task Force sa Metro Manila.

Facebook Comments