Tututukan na ng Senado ang pagpapataas sa sahod ng mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa naging aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na may mga CAAP personnel ang posibleng mangibang bansa dahil kailangang kumita ng mas malaki para sa pamilya.
Umapela si Bautista sa mga senador na tulungan silang maitaas ang sweldo ng mga tauhan ng CAAP at i-exempt sila sa Salary Standardization Law (SSL).
Naging positibo naman ang tugon ni Public Services Committee Chairman Senator Grace Poe at sinabing kailangang mapataas ang kanilang sahod para mahikaya’t na manatili ang mga tauhan sa pag-ta-trabaho sa CAAP.
Mayroon nang nakahain na Senate Bill 1003 na inihain ni Senator Sonny Angara kung saan layon nitong palakasin at i-update ang kapasidad ng CAAP.