Ilang local airlines, nagpaalala sa mga pasahero sa Cebu at Iloilo sa harap ng selebrasyon ng Sinulog at Dinagyang Festivals

May paalala ang Cebu Pacific (CebuPac) at CebGo sa mga pasahero mula sa Cebu at Iloilo sa harap ng Sinulog Festival sa Cebu at sa Dinagyang Festival sa Iloilo.

Ayon sa CebuPac at CebGo, dapat planuhin ng mga pasahero ang kanilang ruta dahil may mga kalsadang isinara sa naturang mga lugar sa gitna ng mga selebrasyon.

Pinapayuhan din ang mga pasahero na tatlong oras bago ang kanilang domestic flight ay dapat nasa airport na sila.


Habang apat na oras naman sa mga pasaherong sasakay sa international flights sa harap ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga lansangan doon.

Mas maigi ring maglagay na ng tag sa kanilang bagahe para sa domestic destinations at mag online check in.

Facebook Comments