Pagpapatalsik sa Chinese diplomat na bumatikos kay Lorenzana, bahagi ng diplomatic options ng Pilipinas

Hindi inaalis ng pamahalaan ang posibilidad na patalsikin sa pwesto ang diplomat sa Chinese Embassy sa Manila dahil sa paninindigan nito sa mga Chinese vessels na nananatili sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng hindi pagsang-ayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa batikos ng Chinese Embassy kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at tinawag siyang “unprofessional.”

Ayon kay DFA Executive Director Ivy Banzon-Abalos, posibleng mangyari ito dahil bahagi ito ng diplomatic courses of actions.


Pero nilinaw ng DFA official na wala pa itong kumpirmasyon.

Sa statement ng DFA noong Lunes, pinaaalahanan nila ang Chinese Embassy na “panauhin” lamang sila sa Philippine Government at dapat nilang sundin at igalang ang mga opisyal ng bansa.

Facebook Comments