Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang panukalang magpapataw ng value-added tax (VAT) sa digital transactions.
Kabilang dito ang streaming platforms tulad ng Netflix at Spotify.
Sa botong 167-6 at 1 abstention, lumusot sa mababang kapulungan ng kongreso ang House Bill 7425 na layong amyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997.
Alinsunod sa panukala, papatawan na ng 12% tax ng mga digital service provider ang mga gumagamit ng kanilang platform.
Saklaw ng VAT ang electronic o digital sale ng services gaya ng online advertisement services, probisyon para sa digital advertising space, digital services kapalit ng regular subscription fee tulad sa Netflix at Spotify.
Habang kasama rin ang pagsusupply ng iba pang electronic at online services sa pamamagitan ng internet, online licensing at online games.