Sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang panukalang batas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinertipikahang urgent ng pangulo ang Senate Bill No. 2232 o “An Act Taxing Philippine Offshore Gaming Operations, Amending for the Purpose Sections 22, 25, 27, 28 and Adding a New Section 125-A of the National Internal Revenue Code of 1997, As Amended, and For Other Purposes.”
Aniya, umaasa sila na sa pamamagitan nito ay hindi lamang makalilikha ng kakailanganing buwis sa bansa kundi mailalagay ang nasabing industriya sa mas istriktong government oversight.
Maliban dito, sinertipikahan ding urgent ng pangulo ang Senate Bill No. 2234 o “An Act Creating the Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos.”
Paliwanag ni Roque, layon nitong makapaghatid ng mas epektibo at “whole-of-government approach” para protektahan ang karapatan at kapakanan ng overseas Filipinos.