Pagpapataw ng excise tax sa mga maaalat na processed food, isinulong

Manila, Philiipines – Matapos aprubahan ang dagdag-buwis sa mga matatamis na inumin, ipinanukala naman ngayon sa Kamara ang pagpapataw ng excise tax sa mga maaalat na processed food.

Sa inihaing panukala ni 3rd district Masbate Cong. Scott Davies Lanete, papatawan ng pisong dagdag-buwis sa kada miligram na asin na sobra sa allowable daily intake ang mga produktong may asin gaya ng mga de lata, hotdog, sitsirya at instant noodles.

Giit ni Lanete, hindi naman layon ng panukala na lalong pahirapan ang masa kundi ilayo ang mga ito sa mga sakit na maaaring idulot ng maaalat na pagkain.


Mariin naman itong tinutulan ng Philippine Amalgamated Supermarket Association.

Ayon kay Steven Cua, presidente ng asosasyon – hindi lang masa ang tiyak na tatamaan sakaling pumasa ang panukala kundi ang halos lahat ng mga Pilipinong kumakain ng processed food na may asin.

Pag-aaralan at pagdedebatehan pa ng mga mambabatas ang panukala.
DZXL558

Facebook Comments