Mahigit 150,000 na halaga ng relief goods, matagumpay na ibinahagi ng RMN Pagadian

Pagadian, Philippines – Nagkakahalaga ng mahigit P150,000 na relief goods ang matagumpay na ibinihagi ng RMN Pagadian sa mga nagsilikas na mga residente ng Marawi City na kasalukuyang nasa evacuation center sa lungsod ng Iligan.

Katuwang ng RMN ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pagadian sa pamimigay ng relief goods na may lamang bigas, de lata na pagkain at mga non-food items.

Nabatid na may pinaplano na pangalawang batch sa pamimigay ng tulong na posibleng mangyayari sa siyudad mismo ng Marawi.


Muli namang nagpasalamat ang RMN Pagadian sa mga tagapakinig na nagbigay ng kanilang suporta at tumugon sa mga panawagan.
DZXL558

Facebook Comments