Posibleng pagbayarin ng multa ang Manila Water kasunod ng nararanasang kakapusan sa suplay ng tubig.
Nabatid na nasa 1.2 Milyong kabahayan ang naapektuhan ng isang linggong water service interruption ng nasabing water concessionaire.
Sa senate hearing kanina, sinabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty na pinag-iisipan na nila ang posibleng pagpapataw ng multa sa Manila Water sa pamamagitan ng pagbibigay ng rebate sa mga customer nito.
Pinag-aaralan na rin nila kung magkano ang multa.
Kung magkataon, sa Hunyo o Hulyo pa nila ito posibleng maipataw dahil sa ngayon, gusto muna nilang mag-focus sa pagbabalik ng water supply.
Nauna na ring umapela si Mandaluyong Rep. Queenie Gonzales sa Manila Water na bigyan ng rebate o discount sa water bill ang mga customer nitong hindi naman napakinabangan ang kanilang serbisyo.
Hiling niya, ilagay ang diskwento sa bill ng mga customer ngayong Marso.