Pagpapatawad sentro ng 29th Founding Anniversary ng GSKP

Naging masaya ang weeklong celebration ng ika 29th Founding Anniversary ng bayan ng General Salipada K. Pendatunsa Maguindanao.

Dinumog rin ng mga residente at mga bisita ang mga inilatag na mga aktibidad ng LGU sa pangunguna ni Mayor Datu Rafsanjani Ali.

Kabilang sa mga itinampok ay ang mga Larong Pinoy, Boxing sa Kawayan, Sipa sa Manggis, Motocross, Basketball Exhibition, Medical Mission at Palamanis Nu GSKP.


Kaugnay nito, naging pangunahing bisita kahapon sa Grand Kanduli at Pasasalamat o sa araw mismo ng anibersaryo si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

Pinasalamatan ng Goberndora ang LGU GSKP sa pakikiisa nito sa lahat ng mga isinusulong na adbokasiya ng Provincial Government lalong lalo na ang pagkakaroon ng mapayapang pamayanan. .

Sinurpresa rin ni Governor Bai Mariam ang GSKP sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang suporta sa Quran Reading at papalapit na Musabaqah sa bayan.

Bisita rin sa okasyon si BTA MP Jack Abas, mga opisyales ng militar , PNP at ilang local officials.
Tema ng selebrasyon “Pagpapatawad tungo sa kongkreto at Panghabang Buhay na Kapayapaan para Umunlad ang Mamayan”.
GSKP FB Page Pic

Facebook Comments