Pagpapatawag ng special session, hindi pipigilan ng mga senador

Hindi iniaalis ni Senate President Chiz Escudero ang posibilidad na magpatawag ng special session si Pangulong Bongbong Marcos.

Gayunman, sinabi ni Escudero na sa kanyang pagkakaalam ang pagpapatawag ng special session ay hindi para mag-convene ang impeachment court.

Paliwanag ng senador, ang pagpapatawag ng special session ay para sa mga mahahalagang bagay at panukalang batas na kailangang aprubahan salig sa ating Konstitusyon.


Sakali namang magpatawag si PBBM ng special session ay haharap silang mga senador sang-ayon man sila o hindi.

Kung magpatawag ng special session para sa ibang panukalang batas hindi naman mapipigilan kung may ibang senador na magpipilit na talakayin dito ang impeachment.

Facebook Comments