
Pag-aaralan ng House prosecution panel kung ipatatawag bilang hostile witness sa impeachment trial ang mister ni Vice President Sara Duterte (VPSD) na si atty. Manases Carpio.
Sinabi ito ni House prosecutor at Bicol Sara Party-list Rep. Terry Ridon sa harap ng nakatakdang pagsisimula sa susunod na linggo ng presentasyon ng mga testigo at ebidensya para sa ikalawang Article of Impeachment patungkol sa hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara.
Ayon kay Ridon, napapangalanan si Carpio sa maraming mga bank at tax documents and transactions.
Nilinaw naman ni Ridon na sa ngayon ay plano pa lamang ito at hindi pa nila napag-uusapan dahil bukod sa marami silang testigo ay sapat din ang kanilang mga dokumento para patunayan ang kinu-kwestiyong yaman ng mag-asawang Duterte-Carpio.
Sa puntong ito ay nagtatanong naman Manila Rep. Benny Abante kung hiwalay na magkasama pa bilang mag-asawa sina Duterte at Carpio.










