Thursday, September 10, 2026

SILG Remulla, tiwalang malapit nang mahuli si Sen. Bato dela Rosa at malapit na ring maiuwi sa bansa si dating Cong. Zaldy Co

Naniniwala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na malaki ang tsansang mahuhuli na ang mga nagtatagong puganteng sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa at mapapabalik ng bansa si dating Cong. Zaldy Co.

Sa panayam kay Remulla matapos talakayin sa Senate Committee on Finance ang 2027 budget ng DILG, lumalaki na ang tsansang mahuli si Dela Rosa lalo’t naunang sinabi ng kalihim na may protector ang nagtatagong senador.

Gayunman, tumanggi si Remulla na tukuyin kung ano o sino ang protector na tumutulong kay Sen. Bato dahil confidential ito at posibleng ma-jeopardize pa ang kanilang operasyon.

Samantala, sinabi rin ni Remulla na misyon ng kanyang pagpunta sa France ay kasama nang maiuwi sa bansa si Co.

Giit ni Remulla na alam na nila kung nasaan si Co, ang address at bahay nito.

Sa susunod na dalawang linggo ay target ni Remulla makapunta ng Lyon, France lalo’t may marching orders si Pangulong Bongbong Marcos na maibalik sa bansa si Co sa anumang paraan.

Facebook Comments