Pagpapataya ng STL o Anumang Uri nito, Mahigpit nang Ipinagbabawal sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Ipinagbabawal na sa probinsya ng Isabela ang pagpapataya ng Small Town Lottery (STL) at anumang uri ng bet collection habang sumasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang probinsya.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, Provincial Information Officer ng Isabela, kanyang sinabi na batay sa ipinalabas na Executive Order no.1 series of 2021 ni Gov. Rodito Alabano III, hindi na papayagan ang lahat ng klase ng face to face, house to house and industries bet collection.

Habang ang betting o bet collection for Lottery na isinasagawa ng PCSO ay isasagawa na lamang sa opisina o outlets nito.


Ito’y dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa probinsya at pagtaas ng namamatay na positibo sa nasabing virus.

Samantala, ang curfew hour na ipapatupad sa buong probinsya ay magsisimula sa oras na alas 11:00 hanggang alas 4:00 ng umaga.

Mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pag-operate ng mga bahay aliwan habang nasa ilalim ng MGCQ ang Isabela.

Para naman sa mga business stablishments ay pinapaalalahanan na kailangan pa ring sumunod sa health and safety protocols at ipatupad ang minimum health standards para sa mga customer.

Facebook Comments