Pamahalaan, pinaglulunsad na ng malawakang information drive sa mga COVID-19 vaccines

46

Pinaglulunsad na ni House Committee on People’s Participation Chairperson Rida Robes ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng malawakang information drive sa iba’t ibang COVID-19 vaccines.

Ginawa ni Robes ang pahayag sa gitna ng naglalabasang napakaraming impormasyon na nagdudulot ng kalituhan at pangamba sa mga tao.


Partikular na dapat ipaalam sa publiko ang tungkol sa safety at efficacy ng COVID-19 vaccines na kasalukuyang ginagamit na sa ibang mga bansa.

Ayon pa kay Robes, maraming Pilipino ang nag-aalinlangan na magpabakuna dahil sa mga nababasa sa social media.

Ito aniya ang tamang pagkakataon para malaman ng publiko ang mga tamang impormasyon sa mga bakuna kontra COVID-19.

Bagama’t kumpiyansa ang mambabatas na pipiliin ng gobyerno ang ligtas at epektibong bakuna, dapat aniyang sabayan ito ng information campaign para mapawi ang takot ng mga tao.




Facebook Comments