PAGPAPATAYO NG 25 SCHOOL BUILDINGS, TARGET MATAPOS SA DAGUPAN CITY NGAYONG TAON

Target ng Dagupan City na matapos ngayong taon ang kabuuang 25 school buildings na kasalukuyang itinatayo at isinasagawa sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod bilang bahagi ng pagpapaigting ng mga pasilidad pang-edukasyon.

Kabilang sa mga nakumpletong proyekto ang isang 9-classroom building sa T. Ayson Elementary School sa Barangay Calmay na nakatakda nang gamitin ng mga mag-aaral.

Ang gusali ay may kasamang mga bagong silid-aralan na kumpleto sa mesa at upuan.

Ayon sa datos, kasabay ng mga school buildings ay nagpapatuloy rin ang konstruksyon ng tatlong gymnasium at iba pang site development projects sa ilang paaralan sa lungsod.

Batay sa nakalaang pondo sa kasalukuyang budget cycle, inaasahang matatapos ang lahat ng 25 gusali bago matapos ang taon upang makatulong sa pagluwag ng classroom congestion at mapabuti ang learning environment ng mga mag-aaral.

Samantala, ipinatutupad din sa lungsod ang scholarship program para sa humigit-kumulang 6,000 college students mula sa iba’t ibang barangay, na layong suportahan ang mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong-pinansyal sa kanilang pag-aaral. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments