Pinasinayaan na sa bayan ng Malasiqui ang nakatakdang itatayong bagong pasilidad na evacuation center para sa mga residente ng bayan.
Ito ay dalawang palapag na evacuation na itatayo sa Brgy. Lareg-lareg sa nasabing bayan kung saan magsisilbi itong lugar bilang pansamantalang silungan ng mga residente na kinakailangang i-evacuate tuwing may sakuna.
Kumpleto na ang evacuation center na ito kung saan lalagyan ito ng water system, perimeter fence, electrical works, drainage canal, at concrete pavement.
Bukod dito, ay nakatakda ring itatayo sa parehong lugar ang isang Super Rural Health Unit na popondohan ng pambansang gobyerno.
Ayon sa mga opisyal, bahagi lamang ito ng kanilang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo sa publiko, partikular na ang pangkaligtasan at pangkalusugan ng mga residente ng bayan. |ifmnews
Facebook Comments