Sa nakuhang impormasyon mula sa Tuguegarao City Information Office, nagpatawag umano ng pagpupulong ang alkalde dahil sa labis na pagkabahala sa sunod-sunod umanong mga krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan kung saan karamihan pa dito ay mga menor de edad.
Dagdag pa dito ang mga Gang na binubuo at kinabibilangan ang ilang mga kabataan sa lungsod.
Sa pagpupulong, isa sa mga interbensyon nakikita ang Rehabilitation and Recovery program kung saan kailangan magkaroon ng Bahay Pag-asa sa lugar.
Dumalo rin sa pagpupulong si Atty. Milagros Fernan-Cayosa, Dean College of Law-UCV.
Ayon sa kanya mainam din na kasama ang mga magulang ng mga kabataan sa counseling.
Tiniyak din nito na dapat ay magkaroon ng Rehabilitation Plan Program ang bawat barangay sa Lungsod.
Matatandaan na kasong drugs at rape umano ang karaniwang kinakasakutang ng mga kabataan ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 at ng attached agency nito na Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC).
Ang pagpapatayo ng Bahay Pagasa ang isa din sa mga isinusulong na interbensyon ng ahensya.