Ilang residente ng Island Barangays ang sang ayon sa pagpapatayo ng Calmay Bridge sa Dagupan City dahil malaking tulong umano ito upang mapabilis ang transportasyon patungo sa ospital na nasa sentro ng lungsod.
Ang Ilang residente rito kinakailangan pang umikot sa bayan ng Binmaley upang makarating sa po pinakamalapit na ospital sa lungsod.
Pahirapan umano ang ganitong sistema lalo na kung kinakailangan ng atensyong medikal ang Isang residente ng Island Barangay.
Kung sakali umanong agad na matapos ang nasabing tulay ay mas magiging daan ito upang makapagsalba ng buhay at agad na maagapan ang mga sakit ng mga residente na hindi na kailangang mamangka makapag patingin lamang sa doktor.
Sabi naman ng ilang residente sa barangay Calmay, kahit papaano ay sang-ayon ang mga ito dahil m mapapadali ang kanilang byahe patungo sa sa City Proper.
Samantala, inaasahan sa darating na ika-20 ng Disyembre isasagawa ang groundbreaking ceremony ng nasabing tulay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨