Pagpapatayo ng Covid19 Hospital isinusulong ng Sangguniang Panlalawigan

Lingayen, Pangasinan – Isinusulong ng Sangguniang Panlalawigan ang pagkakaroon ng isang ospital na dedicated lamang sa mga covid19 patients sa Pangasinan. Ayon kay 4th District Board Member Hon. Ajerico Jeremy Rosario, na siyang may akda ng nasabing resolusyon, ito ay hiling umano ng mga nasa sektor ng medisina upang mas matutukan ang mga covid19 patients.

Ang hakbang na ito ay isa ring paraan ng probinsiya sa pagpapatuloy ng preventive measures na nagpapakitang hindi nagpapakampante ang provincial government pagdating sa usapin ng covi19, kahit pa nasa GCQ na lamang ang Pangasinan.

Sa ngayon, ang nasbaing resolusyon ay naaprubahan na sa Sangguniang Panlaalwigan at ito ay naipasa na sa national upang humingi ng pinal nap ag-apruba sa pagpapatayo ng covi19 hospital para sa rehiyon uno.


Facebook Comments