Ginang na kumukuha lamang ng salagubang patay sa pamamaril

Asingan, Pangasinan – Patay matapos barilin ng di pa kilalang salarin ang isang 45 anyos na ginang mula sa Bayan ng Asingan. Kinilala ang Biktima na si Virginia Balangue, residente ng Brgy. Cabalitian sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang nangunguha umano ito ng salagubang kasama ang mister nito na si Arsenio at isang kaibigan ay ng bigla na lang silang nakarinig ng umalingawngaw na putok ng baril. Huli ng malaman nilang si Virginia na ang tinamaan ng bala mula sa nasabing putok ng baril. Agad namang binawian ng buhay ang biktima at sa ngayon ay patuloy ang imbistegasyon ng PNP Asingan hinggil sa nasabing insidente.

Facebook Comments