PAGPAPATAYO NG DISTRICT HOSPITAL SA BAYAN NG CALASIAO, ISINUSULONG

Isinusulong ngayon ang isang pasilidad-pangkalusugan na makakatulong sa daang libong residente ng bayan ng Calasiao maging sa mga residente ng ikatlong distrito at sa mga karatig nito.
Ang Calasiao District Hospital ang nais ipatayo sa nasabing bayan kung saan ito ay iniakda ni 3rd District Congresswoman Rachel Arenas na isang House Bill No. 382 “An Act of Establishing a Hospital in the Municipality of Calasiao, Province of Pangasinan, to be known as the Calasiao District Hospital, and Appropriating Funds Therefor”.
Ayon sa may akda, ang dahilan umano ng kanyang pagsulong sa pasilidad na ito ay sa kabila ng pagiging isang First-class Municipality ng bayan ay wala man lang umano itong sariling hospital kung saan base sa 2022 Census ay mayroon nang mahigit isandaang libong mamamayan ang bayan.

Samantala, sinang-ayunan naman o suportado at aprubado ng House Committee on Health at ng DOH ang pagpapatayo ng naturang pasilidad para makapag-bigay pa ng serbisyong pangkalusugan para sa mga nasasakupan nito maging sa mga karatig distrito.
Bukod dito ay mayroong nakatakdang ipapatayo ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na karagdagang anim (6) na Pangasinan Provincial Hospital sa susunod na tatlo hanggang limang taon. |ifmnews
Facebook Comments