PAGPAPATAYO NG FISHERMEN’S VILLAGE SA BOLINAO, SISIMULAN NA

Sisimulan na ang pagpapatayo ng Fishermen’s Village sa Barangay Balingasay, Bolinao upang mabigyan ng maayos na tirahan ang mga mangingisdang walang sariling bahay sa bayan.

Ito ay matapos isagawa ang groundbreaking ceremony ng proyektong pabahay noong Marso 10.

Batay sa ulat, itatayo ang Fishermen’s Village sa dalawang ektaryang lupain na donasyon ng isang dating residente ng Bolinao.

Layunin ng proyekto na matugunan ang suliranin sa pabahay ng nasa isang libong pamilya ng mangingisda sa bayan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bukod sa pagbibigay ng tirahan ay sisikapin din ng proyekto na matiyak ang ligtas at maayos na pamumuhay para sa mga pamilya ng mga mangingisda. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments