Pinag-usapan ang maaaring pagpapatayo ng International Airport na ilalagay sa bayan ng Lingayen ng tanggapan ng ikalawang distrito ng Pangasinan at ang Department of Transportation-Civil Aviation Authority of the Philippines (DOTr-CAAP).
Nakikitaan naman ito ng potensyal na makakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya at turismo hindi lang sa bayan ng Lingayen maging ang buong lalawigan ng Pangasinan.
Magkakaroon din ng pagkakataong makilala ang mga yaman na ipinagmamalaki ng Pangasinan, ang mga pamosong pasyalan sa hanay ng turismo, mayamang kultura at tradisyon na patok sa mga turista at bibisita sa lalawigan.
Samantala, nagpasalamat din ang tanggapan ng ikalawang distrito sa South Korean investors na handang mamuhunan para sa ikauunlad ng lagay ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments