Sinimulan na ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Bago City Local Government ang pagpapatayo ng mga irrigation facilities para sa mga farmers Agrarian Reform Beneficiary Organization (ARBO) sa Negros Occidental.
Ito ay matapos na kanilang lagdaan ang Memorandum of Understanding para mapataas ng mga magsasaka ang kanilang mga ani at produksyon ng gulay.
Ayon kay DAR-Western Visayas Assistant Regional Director Lucrecia Taberna, sa ilalim ng kasunduan, ang DAR ay nagkaloob ng ₱340,000 para sa pagtatayo ng water concrete tank at iba pang pangangailangan.
Habang ang Bago City Local Government Unit (LGU) ay naglaan ng ₱50,000 para sa labor manpower bilang kanilang project counterpart.
Kabilang naman sa mga mabebenepisyo sa proyekto na magpapaangat sa kanilang pangkabuhayan ang Paghidaet Farm Workers Association (PAFWA).
Hinikayat din ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II Engr. Arnulfo T. Figueroa ang mga arbos na palaguin ang kanilang samahan.
Ang hakbang ay ginawa ilalim ng enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP) ng pamahalaan upang tuloy-tuloy ana suplay ng mga gulay sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).