PPCRV, balik na muna sa Pope Pius

47

Balik na muna ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa kanilang headquarters sa Pope Pius sa Maynila.

Kanina, nagligpit na ng kanilang mga gamit ang volunteer’s ng PPCRV mula sa UST Arena sa Maynila kung saan isinagawa ang parallel count.

Ayon sa PPCRV, itutuloy na lamang nila sa Pope Pius Center sa Pandacan ang ilan pa nilang naiwang trabaho.


Maging ang National Board of Canvassers ay balik na rin muna sa Commission on Elections (COMELEC) Headquarters sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila para ipagpatuloy ang canvassing ng mga boto para sa Party-list organizations.

Sa darating na Miyerkules, May 25 itinakda ang proklamasyon sa mga nanalong party-lists.

Facebook Comments