Prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang paglalagay ng mga Land Transportation Terminal sa bawat bayan ng nasabing probinsya.
Matatandaang ang lalawigan ng Pangasinan ang pinakauna sa Rehiyon Uno na nakakumpleto ng Local Public Transport Route Plan.
Alinsunod naman ito sa programa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na transportation modernization program na naglalayong makamit ang mas ligtas, at mas komportableng pamamasada at byahe para sa mga drayber at pasahero.
Layunin naman ng Land Transportation Terminal na tiyakin ang mas maayos na daloy ng trapiko. |ifmnews
Facebook Comments