HIGIT 100 ILLEGAL MUFFLERS NA NAKUMPISKA SA BAYAMBANG, SINIRA

Sinira ng PNP Bayambang ang higit 100 illegal mufflers sa kauna-unahang ceremonial smashing na isinagawa sa harap ng Municipal Hall.
Ang mga ito ay nakumpiska ng pulisya na sabay-sabay na pinitpit ng isang pison.
Ayon kay Plt.Col. Rommel Bagsic, ang OIC Chief ng Bayambang MPS, mahigpit na ipinagbabawal ang illegal mufflers sa bayan kung saan alinsunod ito sa Muffler Act of 2016 at Municipal Ordinance No. 5, s. 2016.

Sinabi naman ni BPSO Chief Retired Col. Leonardo Solomon, malaking abala ang illegal mufflers sa mga mag-aaral kung kaya’t kinakailangan ipatupad ang batas upang manaig ang katahimikan sa bayan.
Istriktong ipatutupad ng LGU ang naturang kautusan kasunod ng dumaraming gumamit nito. |ifmnews
Facebook Comments