Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagpapatuloy ng kanyang admistrasyon ang nasimulang mga Infrastructure development ng nakaraang admnistrasyon sa ilalim ng Build Better More Program.
Ginawa ng pangulo ang pagtiyak matapos pangunahan ang pagbubukas ng NLEX Connector Caloocan -España Interchange Connector Road sa Maynila.
Sa talumpati ng pangulo, sinabi nitong magpapatuloy ang pagkumpleto ng mga nasimulan ng infrastructure project katulad nang NLEX Connector Caloocan-España Interchange Connector Road.
Ang proyektong ito aniya kapag nakumpleto ay magiging alternatibong ruta at mapapabilis ang biyahe ng mga motorista.
Aniya, magiging limang minuto na lamang ang biyahe mula Manila hanggang Caloocan na aniya’y matagal nang pangarap ng mga Pilipino lalo na ang mga naninirahan sa Metro Manila.
Kaya nagpapasalamat ang pangulo sa Department of Transportation (DOTR), Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang ahensya ng gobyerno dahil sa patuloy na pagtatrabaho para mas makapagtayo ng malalaking kalsada at expressways.
Kinilala rin ng pangulo ang mga pribadong sektor na malaking tulong sa gobyerno para makamit ang mga pangarap na mga infrastructure development sa bansa katulad nang NLEX Connector Caloocan-España Interchange Connector Road na ito.