Pagpapatayo ng mga bagong kulungan sa bansa – inaapura na ng BJMP

Manila, Philippines – Minamadali na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagpapatayo ng mga karagdagang kulungan.

Ayon kay BJMP Spokesman Senior Inspector Xavier Solda – aabot sa P1.7 billion ang inilaang pondo ng pamahalaan ngayong taon para sa pagpapatayo ng mga bagong piitan.

Kasunod na rin ito ng paglobo ng mga bilanggo kung saan aabot sa 568 percent na over congested ang mga kulungan sa bansa.


Nabatid na ang kulungan sa Biñan, Laguna ang may pinakamaraming preso.

Sa kasalukuyan, aabot sa 138,000 na bilanggo ang nakapiit sa 466 na kulungan sa bansa gayung nasa 20,500 lamang ang capacity ng mga ito.

Nangangahulugan ito na ang espasyo para sa isang tao ay inookupahan ng anim na preso.
DZXL558

Facebook Comments