Magkapatid na miyembro ng isang criminal gang na nasasangkot sa malaking drug illegal trade operation, nadakip ng CIDG 10

57

Bukidnon, Philippines – Detinado ngayon ang magkapatid na suspetsado na sina Rodolfo at Alfredo Bongcaron ng barangay Alae, Manolo Fortich Bukidnon, matapos madakip ng pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG10.

Ito ay matapos na nilusad ang dalawang court search warrant laban sa dalawang suspetsado, na miyembro ng isang criminal gang na nasangkot sa malaking illegal drug trade operation sa Bukidnon.

Ayon kay CIDG deputy chief of Operation Supt. Melgar Devaras, na nadiskubre na pugante sa Misamis Oriental Provincial Jail ang suspek na si Rodolfo, at may kasong frustrated homicide at carnapping noong 1993.

Nakuha sa magkapatid ang kalibre. 45 na armas, dalawang improvised firearmas, kalibre. 22 revolver, mga bala, bullet proof, silencer at iba pa.
DZXL558

Facebook Comments