Pagpapatayo ng mga specialty hospital, isa sa prayoridad ni PBBM

Plano ng Marcos administration na magpatayo nang mas maraming specialty hospital sa bansa.

Pahayag ito ni Pangulong Bongbong Marcos matapos pangunahan ang groundbreaking ng Saint Bernadette Hospital sa Bulacan kahapon.

Ayon sa pangulo, ang ospital na ito ay specialty hospital na para sa mga kababaihan at kabataan at naniniwala siyang malaking tulong ito lalo na sa pagbubuntis ng mga kababaihan.


Sinabi ng pangulo, ganitong specialty hospital ang nais nya ipatayo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa ngayon ayon sa presidente, tinutukoy na nila ang mga lugar sa bansa na maaring pagtayuan ng specialty hospital at aalamin ang mga karanasan noong pandemya upang matukoy kung saan ilalagay ang specialty hospital upang makatulong.

Paliwanag ng pangulo, nakita niya noong panahon ng pandemya kung gaano kahalaga ang ginampanang role o tungkulin ng mga frontliner lalo na ang mga nasa ospital at ilan pasilidad.

Sa ngayon makikita lamang sa Metro Manila ang mga specialty hospital sa bansa, ito ay ang Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Childrens’ Medical Center at Philippine Heart Center.

Facebook Comments