TNT Tropang Giga, isang panalo na lang ang kailangan para magkampyon sa PBA Governors’ Cup

Isang panalo na lamang ang kailangan ng TNT Tropang Giga para itanghal na kampyon ng PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos nilang magwagi kahapon sa Game 5 ng finals kontra Barangay Ginebra.

Malaking tulong sa panalo ang triple double na naitala ni Rondae Hollis-Jefferson na 32 points, 16 rebounds at 10 assists.


Bago niyan, lamang ang Ginebra ng 14 points sa third quarter pero humabol ang TNT sa pangunguna ng kanilang import.

Samantala, sa kalagitnaan ng laro ay sumama ang pakiramdam ni Ginebra import Justin Brownlee dahil sa food poisoning.

Sa biyernes magkaka-alaman kung tatapusin na ng TNT sa Game 6 o aabot pa ng Game 7 ang serye.

Facebook Comments