Cauayan City, Isabela – Aprubado na ng Regional Project Advisory Board 2 (RPAB 2) ang konstruksiyon ng 6.8 milyong pisong halaga ng Microbiological Testing Facility sa barangay Masaya, San Agustin, Isabela.
Ang RPAB 2 ay pinapangunahan ni Department of Agriculture Regional Director Narciso Edillo. Ang pag apruba para sa Project Support Office (PSO) ay nangyari kaninang umaga, May 7, 2020 sa 27th business meeting.
Ayon kay Ms. Sally Valencia, Isabela PRDP Action Officer nais ng pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na magkaroon ng sustainable at compliant dairy microbiological testing facility para sa paggawa ng gatas. Naniniwala si Valencia na sa pamamagitan ng koopetaiba ay kompiyansa siya na makakapag alok sila ng ligtas at dekalidad na gatas sa mga malalaking milk processor ng milk-based products.
Ang pagsasagawa ng Physico-chemical analysis sa 150,720 litro ng gatas mula sa ibat ibang dairy farmers ng nasabi paring bayan sa pamamagitan ng San Agustin Dairy Cooperative (SADACO) at iba pang processing centers sa rehiyon ay naniniwala ang grupo na makakamtan nila ang itinatakdang kalidad sa pamamagitan nasabing pasilidad.
Magiging direkta at pangunahing benepesaryo ang mga dairy farmers ng San Agustin, mga kasapi ng SADACO at maging ang mga miyembro ng affiliated association nito. Kilala ang San Agustin bilang tahanan ng cross-bred carabao na pinasikat ng Philippine Carabao Center (PCC). Sa katunayan, dito hango ang kanilang Nuang Festival. Dahil dito, ang San Agustin ang nangunguna sa buong region 2 paggawa ng diary milk.
Makikinabang din dito sa pasilidad na ito ang iba pang mga kooperatiba at magsasaka dito buong rehiyon na kasali sa dairy business sa pamamahala ng PCC sa pamamagitan ni Dir. Franklin Rellin.