PAGPAPATAYO NG SLAUGHTERHOUSE SA DAGUPAN CITY, PINAG-UUSAPAN NA

Pinag-uusapan na ang pagpapatayo ng Slaughterhouse sa lungsod ng Dagupan matapos ang pagbisita ng National Meat Inspection Service-Regional Technical Operation Center 1 (NMIS-RTOC-1) sa opisina ng Alkalde.
Inihayag ni Mayor Belen Fernandez ang kanyang intention ukol dito na may layuning mai-angat ang kabuhayan ng mga meat vendors laban sa mga frozen o hot meat na nakasisira sa sektor.
Ang naturang plano ay Aprubado ng City Development Council at at nagpahayag din ng suporta ang meat vendors at butchers sa lungsod.

Napag-usapan ding NMIS RTOC 1 at LGU ang pag-aaral sa mga model slaughterhouse sa ibang bayan para sa implementasyon at pagbuo ng sistema para sa sariling slaughterhouse ng Dagupan.
Sa pamamagitan ng slaughterhouse, matitiyak na fresh, malinis at ligtas ang mga ibinebentang karne sa merkado.
Matapos ang pagpupulong ng dalawa, nagsagawa ang NMIS-RTOC 1, para sa monitoring, surveillance and seizure ng hot meat sa mga public markets and supermarkets upang tiyakin ang kaligtasan ng consumers ngayong holiday season. | ifmnews
Facebook Comments